Ilang mga bar, karaoke venues, spa at iba pang mga establisyimento ang inatasan na magsara ng hatinggabi sa loob ng isang linggo sa lungsod ng Quezon. Ito bilang paghihigpit sa seguridad sa 49th ASEAN summit.
Ang mandatory closing time ay nagsimula na kahapon, Nobyembre 15 at magtatagal hanggang sa ika-21 ng Nobyembre. Pinirmahan ni Quezon City Mayor Joy Bel Monte ang panukala sa ilalim ng executive order no. 42.
Sakop ng kautusan ang mga establisyimento na may Safe Seal Ordinance ng lungsod tulad na lamang ng mga bar, karaoke venues, massage parlors, spa at internet cafes. Kasama rin ang mga restaurant, restobars, drinking lounges at mga kaparehong establisyimento na kailangan ding magsara bago maghatinggabi.
Hindi naman ipatutupad ang panukalang midnight cutoff sa mga hotel, resort, apartelles, tourist inn, motels, pension house, homestay at condominium. Gayundin sa mga 24-hour fast-food chain at convenience stores.
Kinakailanganin din na magpasa ang covered businesses ng kaukulang video footage at surveillance camera record bilang parte ng ordinansa sa seguridad habang nagpapatuloy ang ASEAN summit.















