-- Advertisements --

Dinala ni Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski ang makulay na inspirasyon ng Siargao sa Puerto Rico, suot ang isang likhang disenyo ni Filipino designer Martin Bautista.

Hango sa mga kalsadang napapalibutan ng mga punong niyog at ginintuang kulay ng takipsilim sa Siargao, tampok sa kasuotan ang kombinasyon ng tropikal na berde, kulay-buhangin, at mainit na kulay ng terracotta.

Gaganapin ang ika-75 edisyon ng Miss Universe sa Nobyembre 24, 2026, sa Puerto Rico, na mapapanood naman sa Pilipinas sa Nobyembre 25.