Magpapatupad ang Philippine National Police (PNP) ng maximum tolerance sa mga magsasagawa ng kilos protesta kasabay ng 49th Asociation of Southeas Asian Nation (ASEAN) Summit.
Ayon kay PNP chief General Jose Melencio Nartatez Jr, na handa silang tumugon sa anumang hakbang na maaring makasira sa pagtitipon.
Hinikayat din nito ang mga protesters na sumunod sa apila ng Asean National Organizing Council’s security officials na kung maaari ay ipagpaliban na lamang sa ibang araw ang kanilang kilos protesta.
Una ng nag-anunsiyo ang ilang progresibong grupo kasama na ang ilang transport group na magsasagawa silang kilos protesta kasabay ng pagdating ni US President Donald Trump na siyang dadalo sa nasabing pagtitipon.
Nitong Miyerkules, Nobyembre 11, ay isinagawa ng PNP ang ceremonial send-off ng mga security personnel na magbibigay seguridad sa mga VIP na dadalo sa pagtitipon.
Ang 49th ASEAN Summit na magsisimula sa Nobyembre 15 hanggang 17 ay dadaluhan ng mga delegasyon mula sa 11 member states ganun din sa mga dialogue partners na China, South Korea, Japan, US, Australia, New Zealand, India at Canada.
Mayroong mahigit 23,000 na mga security personnel ang ipapakalat sa mga lugar na pagdarausan gaya sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City ganun din sa ilang mga pangunahing lugar.









