-- Advertisements --

Nagtapos sa panibagong makasaysayang tagumpay ang 2026 season ni Filipina tennis star Alex Eala matapos umakyat sa ika-15 puwesto sa pinakabagong Womens Tennis Association o WTA rankings.


Mula sa dating world No. 19 na kalaunan ay naging World No. 17 umangat ng dalawang puwesto si Eala matapos maabot ang finals ng 2026 Hong Kong Open.


Sa edad na 21, nananatili siyang pinakamataas ang ranggo na manlalaro mula sa Southeast Asia at pangalawa naman sa Asya. Nalampasan din niya ang four-time Grand Slam champion na si Naomi Osaka ng Japan. Sa live rankings, taglay ni Eala ang 2,392 points.


Mula sa world No. 53 sa simula ng taon, umakyat si Eala ng 38 na puwesto matapos sumabak sa 29 na torneyo at makuha ang kanyang unang Tour-level title sa Washington, D.C.