-- Advertisements --

Opisyal nang binuksan ng Department of Agriculture (DA) ang Organic Tiangge ngayong araw, kasabay ng pagsisimula ng pagdiriwang ng 12th Organic Agriculture Month.

Inaasahang magtatagal ang naturang aktibidad ng apat na araw, simula ngayong araw hanggang sa Nobyembre 12.

Tampok sa naturang palengke ang mahigit 20 exhibitors mula sa iba’t ibang panig ng bansa na nagdadala ng sari-saring organic at natural na mga produkto.

Layunin ng programa na bigyan ang publiko ng pagkakataon na tuklasin, tikman, at tangkilikin ang mga ligtas at kalidad na produktong agrikultural.

Hinimok din ng pamunuan ang publiko na patuloy na suportahan ang mga lokal na organic farmers at producers sa bansa.