-- Advertisements --
Tiniyak ni VP Sara Duterte na sariling pera ang ginamit nito sa kaniyang biyahe sa Hong Kong mula Nobyembre 6 hanggang 8.
Ayon sa OVP, kabilang sa mga aktibidad ng Bise Presidente ang pagdalo sa pagtitipon ng Filipino community at iba pang opisyal na engagement.
Nilinaw din ng tanggapan na nakakuha na si Duterte ng pahintulot mula sa Quezon City Regional Trial court branch 98 sa pamamagitan ng kautusan nitong Nobyembre 3, gayundin ng kaukulang travel authority mula sa Office of the President.
Tiniyak ng OVP na walang gagamiting pondo, kagamitan o pasilidad ng pamahalaan para sa naturang biyahe at personal na gastusin ni Duterte ang sasagot sa lahat ng travel expenses.














