Dalawang Pilipinong naging naturalized American citizens ang kabilang sa 40 indibidwal na posibleng mawalan ng us citizenship sa pinaigting na kampanya ng administrasyong trump laban sa immigration fraud at iba pang paglabag.
Kinilala ng US Department of Justice ang dalawa bilang sina Arnel Dacumos Tabafunda, 47, at Ramon Navarro, 68, na kapwa nahaharap sa magkahiwalay na denaturalization proceedings sa mga pederal na korte sa California.
Ayon sa Justice Department, si Tabafunda ay nahaharap sa pagbawi ng citizenship dahil sa umano’y pagtatago ng sexual abuse offenses laban sa isang menor de edad bago at matapos siyang maging us citizen noong 2005.
Nahaharap naman si Navarro sa kaso dahil umano sa pekeng pagpapakasal upang makakuha ng immigration benefits at kalauna’y US citizenship.
Iniulat ng DOJ na naghain ito ng mga reklamo laban sa 40 indibidwal mula Agosto 21 hanggang Oktubre 2, 2026, na pinakamalaking bilang sa iisang panahon sa ilalim ng administrasyong Trump.
Sa ilalim ng US immigration and nationality act, maaaring bawiin ang naturalized citizenship kung ilegal itong nakuha o nakamit sa pamamagitan ng pagtatago ng mahahalagang impormasyon o sadyang pagbibigay ng maling pahayag.














