-- Advertisements --

Itinutulak nina Sen. Erwin Tulfo at Sen. Kiko Pangilinan ang zero tariff sa Philippine-made heated tobacco products (HTPs) atbpang agricultural products sa na dinadala sa Japan.

Sa pakikipagpulong nina Senate Committee on Foreign Relations Chair, Sen. Tulfo at Senate Committee on Agriculture Chair, Sen Pangilinan sa pamahalaan ng Japan, inirekumenda ng dalawang Filipino legislator na alisin ang taripa sa mga heated tobacco products (HTPs) na gawa sa Pilipinas, gayundin sa mga prutas at iba pang produktong agrikultural na pawang nagmumula dito sa bansa.

Katwiran ni Sen. Tulfo, sa pamamagitan nito ay mapapalakas pa lalo ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa at magiging daan para sa patas na kompetisyon ng mga HTP na gawa sa Pilipinas sa mga katulad na produktong nagmumula sa European Union.

Binalikan ng senador ang Japan-Philippines Economic Partnership Agreement na unang nabuo noon pang 2008 na naglalayong magbawas o mag-alis ng taripa sa mahigit 90% ng mga produktong ipinagpapalitan ng dalawang bansa.

Aniya, ang mga HTP atbpang produktong agrikultural ay hindi pa kabila sa mga produktong pinag-usapan o ikinukunsidera noong buuin ang naturang aggrement.

Ayon kina Sen. Tulfo at Sen. Pangilinan, makatutulong ang zero tariff sa pagpapalakas sa manufacture at agriculture industry, gayundin sa pag-export ng mga produktong Pinoy, paglikha ng trabaho, at pagpapasigla ng ekonomiya.

Kasama nina Sen. Tulfo at Pangilinan sina Senate President Sherwin Gatchalian, Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Sen. Lito Lapid, Raffy Tulfo, at JV Ejercito sa delegasyon ng Senado na bumisita sa Japan.