Sinimulan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang imbestigasyon sa mga ulat na umano’y nagkaroon ng malawakang data leak sa naturang ahensya.
Ayon sa kawanihan, maglalabas ito ng karagdagang update sa oras na maberipika ang mga detalye sa kontrobersiyal at sesitibong isyu.
Ayon sa ahensiya, nakikipagtulungan na ito sa Department of Information and Communications Technology (DICT), National Computer Emergency Response Team (NCERT), at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) para sa masusing pagsisiyasat.
Nais din ng BIR na maprotektahan at masiguro ang seguridad ng kanilang ginagamit na sistema nang walang anumang nakokompromisong datus.
Ayon pa sa ahensiya, nananatili itong nakatuon sa pagprotekta sa privacy, confidentiality, at seguridad ng record o tax profile ng lahat ng taxpayer.
Samantala, kasama rin sa naturang imbestigasyon ang PNP Anti-Cybercrime Group.













