-- Advertisements --

Ginamit ni dating senador Richard Gordon ang pagkatalo ng Republican Party sa US midterm elections bilang paalala sa mga lider na dapat unahin ang kapakanan ng publiko kaysa sa pansariling interes.

Ayon kay Gordon, maaaring naging dahilan ng pagkatalo ng mga Republican ang mga proyektong pinondohan ng administrasyong Trump, kabilang ang bagong White House ballroom, triumphal arch at pagsasaayos ng reflecting pool, habang nahihirapan ang mga mamamayan sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Itinuro rin niya ang mataas na presyo ng gasolina, pagtaas ng gastusin sa pamumuhay at limitadong access sa healthcare bilang ilan sa mga problemang kinakaharap ng mga pamilyang Amerikano.

Binigyang-diin ni Gordon na hindi sapat ang kapangyarihan at impluwensya kung walang konkretong resulta para sa mamamayan. Aniya, dapat masukat ang pamumuno sa kung paano napapabuti ang buhay ng mga tao.