-- Advertisements --

Nangako umano si House Speaker Bojie Dy na ilalabas sa publiko ang mga dokumento ng pambansang badyet ng Kamara matapos siyang makipagpulong sa People’s Budget Coalition (PBC) para talakayin ang mga repormang magtitiyak ng transparency at makaiwas sa panibagong flood control scandal.

Nakipagpulong ang People’s Budget Coalition na si co-convenor Ken Abante kay Dy noong Nobyembre 4.

Ayon sa grupo, layunin ng pagbubukas ng mga budget document na mabigyan ang civil society organizations at publiko ng pagkakataong masuri kung saan napupunta ang pondo ng bayan.

Tiniyak din umano ni Dy na hindi niya hahayaang maulit ang flood control scandal sa ilalim ng kaniyang pamumuno. Sinabi naman ng PBC na patuloy nilang babantayan kung tutuparin ng Speaker ang kaniyang mga pangako.

Matatandaang nauna nang naiulat ang umano’y mga red flags sa 2027 national budget na nasilip ng People’s Budget Coalition na inilatag sa Senado.