-- Advertisements --

Ipinasakamay ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa tunay na may-ari ang 58 na mga narekober nilang mga sasakyan.

Ang nasabing mga sasakyan ay kinabibilangan ng pitong motorsiklo.

Ayon kay HPG acting director PBGen. Joyce Patrick Sangalang na 23 sa sasakyan ay nabawi sa pamamagitan ng technical carnapping investigation habang ang natitirang 35 na iba ay nabawi matapos ang isingawang flag-dwon operations, checkpoints at anti-carnapping operations.

Tiniyak ni Sangalang na magiging kada-buwan na ang pagbabalik ng mga nabawing sasakyan.

Binalaan din nito ang publiko na maging maingat sa pagbili ng mga sasakyan lalo na kung ito ay mga second-hand at kung may duda ay maaring ipa-verify nila ito sa kanilang opisina o sa Land Transportation Office (LTO).