Posibleng aabot sa mahigit 6.47 million metriko tonelada ang produksyon ng palay sa Pilipinas, sa huling quarter ng 2026 o mula buwan ng Oktubre hanggang Disyembre.
Ito ay batay sa pagtaya ng Philippine Statistics Authority (PSA), salig sa actual standing crop o mga kasalukuyang nakatanim na palay at inaasahang maaari nang anihin sa kabuuan ng nabanggit na quarter.
Batay sa record ng naturang opisina, mas mababa ito ng 5.5% kumpara sa aktwal na produksyon ng bansa sa huling quarter ng 2025.
Umaabot kasi noon sa 6.85 million metriko tonelada ang naaning palay sa naturang panahon – halos 400,000 tons na mas mataas kumpara sa projected production ngayong quarter.
Sa kabilang banda, umabot lamang sa 3.08 million metriko tonelada ang palay production ng bansa sa ikatlong quarter ng 2026 o mula Hulyo hanggang Setyembre.
Malayong mas mababa ito kumpara sa 3.75 million metriko tonelada ng palay na naitala noong ikatlong quarter ng 2025.













