Ipinababasura ng Senado sa Kataas-taasang Hukuman ang petisyon nina Senador Bong Go, at Sen. Robin Padilla kontra pagbabago sa ‘voting threshold’ ng Senate Impeachment Court.
Sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General, naisinumite na ng Senado ang kanilang kumento sa hukuman.
Kung saan nanindigan sila na walang grave abuse of discretion nangyari nang pagdesisyunan ang isyu sa ‘voting threshold’.
Nasa senado umano ang kapangyarihan na pagpasyahan ang pagpapakahulugan at ang responsibilidad na sagutin ang kwestyon sa usapin.
Naniniwala silang dapat mabasura ang petisyon nina Senator-Judges Bong Go at Padilla dahil sa kawalan ng merito at pagiging premature ng kaso.
Maliban dito’y hiniling din nila na mabasura pati ang aplikasyon sa pag-iisyu ng Status Quo Ante Order, Temporary Restraining Order, at Writ of Preliminary Injunction.















