Hinikayat ng Philippine National Police ang mga pet owner na magsampa ng kaso laban sa pet crematorium na walang awang itinapon lang ang aabot sa 29 na mga labi ng aso at pusa sa Bulacan.
Ang mga patay na alagang aso at pusa ay matatandaang dinala sa Pet Crematorium sa Bacoor City, Cavite, ngunit natagpuan na lamang ang kanilang labi sa bakanteng lote sa Barangay Minuyan Proper, San Jose Del Monte, Bulacan.
Ayon sa PNP, maaaring magsampa ang mga pet owner ng kasong sibil upang humingi ng danyos sa pinsalang kanilang tinamo.
Posibleng kaharapin ng pet crematorium ang kasong estafa sa ilalim ng article 315(2)(a) ng Revised Penal Code and syndicated estafa.
Maaari ring maharap ang pet crematorium sa reklamong paglabag sa Code on Sanitation of The Philippines, the Ecological Solid Wastes Management Act at maging sa Consumer Act of the Philippines..
















