-- Advertisements --

Nanindigan ang People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) Asia na hindi dapat ituring na disposable o pagkakakitaan lamang ang mga hayop, kasunod ng isang insidenteng kinasasangkutan ng pagtrato sa mga labi ng mga namayapang alagang hayop.

Sa pahayag nito, binigyang-diin ng organisasyon na nararapat lamang tratuhin nang may dignidad, malasakit, at respeto ang mga labi ng mga hayop, lalo na’t ipinagkakatiwala ito ng mga pet guardian sa mga serbisyong nangangalaga sa kanilang huling hantungan.

Nagpaabot din ang PETA Asia ng pakikiramay sa mga naapektuhan at nagpahayag ng suporta sa kanilang panawagan para sa katarungan at pananagutan.

Binigyang-diin ng organisasyon na ang paggalang sa mga hayop ay hindi nagtatapos sa kanilang kamatayan.