Nakapagbulsa na ng isang panalo ang kulelat na team na Brooklyn Nets matapos nitong itumba ngayong November 2 ang dating eastern conference powerhouse team na Indiana Pacers.
Dominado ng Nets ang laban mula simula hanggang sa huli, sa kabila ng pagpupumilit ng Pacers na habulin ang winning team.
Bagaman hindi nagkakalayo ang score ng dalawa, hawak ng Nets ang single-digit lead sa tuwing matapos ang bawat quarter hanggang sa tuluyang iposte ang 8-point win sa pagtatapos ng match, 98-90.
Sumentro ang opensa ng Nets sa 23 points ni Michael Porter Jr. habang 15 points at 13 rebounds naman ang idinagdag ng sentrong si Day’Ron Sharpe.
Muling ring nagpakita ng all-around performance ang forward na si Juluis Randle na gumawa ng 20 points, 5 rebounds, 6 assists, at dalawang steal.
Sa panig ng Pacers, nagbulsa ng 23 points at apat na assists ang point guard na si Andrew Nembhard, kasama ang tig-isang steal at block.
Ang pagkatalo ng Pacers sa naturang match ay ang ikalimang loss nito ngayong season, tangan ang dalawang panalo.
Limang pagkatalo na rin ang nairehistro ng winning team na Brooklyn, sa loob ng anim na match.
















