-- Advertisements --
Pumanaw na ang dating Philippine Sports Commission (PSC) Chairman na si Philip “Popoy” Juico noong Sabado, Oktubre 31, 2026, sa edad na 78.
Kinumpirma ng kanyang anak na si Councilor Joseph Juico ang malungkot na balita sa social media. Ayon dito, pumanaw ang kanyang ama gabi noong Oktubre 31.
“After courageously battling cancer since 2022, my Papa passed away peacefully in his sleep,” saad ni Joseph
Matapang na nakipaglaban sa cancer si Juico mula pa noong 2022 bago tuluyang namaalam nang payapa habang natutulog.
Bukod sa kanyang naging papel sa larangan ng palakasan, nagsilbi rin siya bilang kalihim ng Department of Agrarian Reform mula Hulyo 23, 1987 hanggang Hulyo 1, 1989, sa ilalim ng panunungkulan ni dating Presidente Corazon Aquino.










