-- Advertisements --
Patuloy na binabantayan ng weather state bureau ang Bagyong In-Fa, na kasalukuyang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Batay sa 8:00 PM weather bulletin, namataan ang bagyo sa layong 2,270 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 150 km/h at pagbugsong hanggang 185 km/h
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 km/h patungong west-southwest.
Patuloy namang minomonitor ng weather bureau ang galaw at posibleng pagbabago sa lakas ng bagyo.














