-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamilya ni Gil Aducal Morales, na mas kilala sa showbiz bilang Ate Gay, ang kanyang pagpanaw sa pamamagitan ng isang pahayag na inilabas sa kanyang official Facebook page ngayong Nobyembre 1, 2026.

Ayon sa pamilya, pumanaw si Ate Gay matapos ang matapang na pakikipaglaban para sa kanyang buhay, habang napapalibutan ng kanyang mga mahal sa buhay.

Kilala si Ate Gay bilang isang komedyante at impersonator ng batikang aktres na si Nora Aunor, na minahal ng marami dahil sa kanyang pagpapatawa at paggaya sa tinaguriang Superstar.

Nagpasalamat naman ang kanyang pamilya sa lahat ng nagpaabot ng panalangin, pagmamahal, pinansiyal na tulong at suporta sa panahon ng kanyang karamdaman. Hiling din nila ang patuloy na panalangin para sa kanyang payapang kapahingahan.