-- Advertisements --

Inanunsyo ng Philippine Airlines ang pagkansela or rescheduling ng ilang domestic at international flights patungo maging sa mga manggagaling sa Maynila mula November 14 hanggang 18.

Kaugnay ito sa pagdating ng mga delegado para sa ika-49th Asean Summit at Related Summit sa Maynila.

Sa advisory na inilabas ng Philippine Airlines noong October 30, kanilang binigyan ng abiso sa pamamagitan ng email at short message service ang mga maapektuhang pasahero.

Ayon sa pamunuan ng PAL, na maaaring makakuha ang mga pasahero ng libreng rebooking, full refund, o kaya naman ay gawing travel fund ang halaga nito sa pamamagitan ng website ng airline.

Magaganap ang 49th Asean Summit and Related Summits mula November 10 hanggang November 12, kasama pa ang ilang aktibidad na maaaring magpatuloy hanggang sa November 15. Ang nasabing pagpupulong ay dadaluhan ng mga lider mula sa Timog-Silangang Asya at iba pang mga bansa.

Una nang idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na isang special (non-working) day ang November 16 hanggang 18 sa National Capital Region bilang paghahanda sa summit.