Pormal na tinanggap ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pinakabagong credit analysis ng Moody’s Ratings na nagpapakita ng katatagan ng sistema ng pananalapi sa bansa.
Binigyang-diin ng Moody’s ang lakas ng monetary policy framework, matatag na banking system, at robust external buffers ng Pilipinas sa gitna ng mga pandaigdigang pagsubok sa ekonomiya.
Ayon kay BSP Governor Eli Remolona, Jr., pinatutunayan ng ulat ang kakayahan ng bansa na harapin ang mga domestic at global risks habang pinapanatili ang price at financial stability.
Ibinahagi ng credit rating agency na nakatulong nang malaki ang maayos na pangangasiwa ng BSP upang manatiling anchored ang inflation expectations sa kabila ng paggalaw ng presyo ng langis noong 2026.
Idinagdag din sa pagsusuri na ang banking system sa bansa ay well-capitalized, profitable, at competently managed dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng mga international standards.
Nakatutulong din nang malaki ang remittances mula sa Overseas Filipino Workers (OFWs), kita mula sa BPO sector, at foreign direct investments upang suportahan ang economic growth at household spending.














