Nananatiling pessimistic ang business sentiment sa Pilipinas noong Setyembre 2026 batay sa pinakahuling Business Expectations Survey (BES) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ibinahagi ng mga kumpanya na ang negatibong pananaw ay dulot pangunahin ng mataas na gastos sa kuryente at langis pati na ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Kabilang din sa mga pangunahing alalahanin ng mga negosyante ang gulo sa Middle East, ang paghina ng piso, at ang mga pinsalang dulot ng masamang panahon sa bansa.
Sa kabila nito, nagpakita ng optimism ang mga negosyo para sa susunod na tatlong buwan dahil sa inaasahang pagtaas ng bentahan ngayong holiday season at sa panahon ng ani ng palay.
Mas maganda rin ang tanaw ng mga kumpanya sa susunod na 12 buwan dahil sa oportunidad sa mga sektor ng healthcare, edukasyon, turismo, financial services, real estate, at kalakalan.
Inaasahan naman ng mga respondent na mananatiling lagpas sa 4.0 porsyento ang inflation habang patuloy na binabantayan ng BSP ang mga kaganapan sa Middle East para sa kanilang monetary policy decisions.
















