-- Advertisements --

Tinambakan ng Washington Wizards ang Charlotte Hornets sa kanilang low-scoring match ngayong araw, Oct. 31.

Pinangunahan ng bigman na si Anthony Davis ang panalo ng Washington at kumamada siya ng 25 points at 13 rebounds, habang 21 points at siyam na assists naman ang ambag ng sharpshooter na si Trae Young.

Bagaman naging gitgitan pa rin ang laban sa pagitan ng dalawang team sa 1st half ng laban, agad umarangkada ang Wizards sa 3rd quarter at nagbuhos ng 28 points kontra sa 13 points ng Hornets.

Dahil dito, hawak na ng Washington ang 19-point lead sa pagtatapos ng naturang quarter kaya’t hindi na gaanong pinaglaro ang mga star player sa huling quarter.

Bahagya namang nakahabol ang Hornets sa 4th quarter ngunit tuluyan pa ring natapos ang laban sa 95-79, pabor sa Washington.

Sa kabila ng pagkatalo ng Charlotte, naging maganda ang ipinakitang performance ng sentro ng koponan na si Moussa Diabate na nagpasok ng limang field goals mula sa 11 shots na kaniyang kaniyang pinakawalan.

Nagtapos siya sa 10 points, 12 rebounds, at dalawang steal.

Ito na ang ikatlong panalo ngayong season ng Washington, hawak ang tatlo ring pagkatalo. Parehong kartada rin ang hawak ng Hornets.