-- Advertisements --

Tatlo ang nasawi matapos matipak ang bahagi ng isang large volcanic rock formation sa isang tanyag na pook-pasyalan sa Turkey nitong Huwebes, Oktubre 29.

Ang nasabing bahagi ng rock formation, na kilala bilang fairy chimney, ay dumausdos malapit sa isang parking lot sa Goreme region ng Cappadocia, Turkey na ikinamatay ng tatlo habang sugatan naman ang lima.

Ayon kay Gov. Huseyin Kok, maaaring dulot ng mga matinding pag-ulan ang pagguho ng rock formation.

Aniya, patuloy ang mga rescue team sa paghahanap sa iba pang indibidwal na posibleng na-trap sa ilalim ng mga guho.

Dagdag pa ni Kok, dalawa sa mga namatay ay kinikilalang Turkish nationals ngunit hindi ito nagbigay ng anumang detalye hinggil sa ikatlong biktima.

Ayon naman sa Justice Minister ng Turker na si Akin Gurlek, kasalukuyan nang gumugulong ang imbestigasyon sa insidente.

Ang naturang pook ng Cappadocia sa Central Turkey ay kabilang sa mga tinaguriang UNESCO World Heritage site at isa sa mga pinakadinarayong pasyalan ng mga turista sa bansa.