-- Advertisements --
Nagpakawala ang North Korea ng ilang mga short-range ballistic missiles.
Ayon sa South Korea defense ministry, isinagawa ito sa silangang bahagi ng karagatang malapit sa Seoul.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng planong pag-uusap ng South Korea para maayos ang tensiyon sa pagitan nila ng North Korea.
Sinabi pa ng South Korea’s Joint Chiefs of Staff (JCS) na pinakawalan ang nasabing missiles sa Wonsan area sa bahagi ng North Korea.
Umabot sa 250 kilometers ang missiles kung saan nagsasagawa ng assesement na ang South Korea at US.
Pinayuhan naman ng Japanese Coast Guard ang mga barko nila na maging maingat.
















