-- Advertisements --

Muling gumawa ng 40-point performance ang 38-anyos na NBA star na si Stephen Curry sa panalo ng Golden State Warriors sa Minnesota Timberwolves.

Naipasok ni Curry ang 11 mula sa 27 attempts, kung saan anim dito ay pawang mga 3-pointer. Perfect din ang score ni Steph sa free throw line at naipasok ang lahat ng 16 free shots na iginawad sa kaniya sa kabuuan ng laban.

Umabot pa sa 24 points ang kalamangan ng Warriors sa kalagitnaan ng laban hanggang sa tuluyang nakabawi ang Minnesota sa 3rd quarter.

Pinilit pa ng koponan na burahin ang lahat ng deficit sa huling quarter ngunit hinigpitan ng Warriors ang depensa sa clutch time, sa pangunguna nina Steph at rookie na si Yaxel Lendeborg na kumamada ng 26 points at siyam na rebounds.

Sa pagkatalo ng Minnesota, nanguna sa opensa ng nito ang dating Golden State forward na si Jonathan Kuminga na kumamada ng 20 points, limang assists, at dalawang steal.

Nalimitahan lamang sa isang puntos, apat na rebounds, at isang steal ang sentro ng Wolves na si Rudy Gobert, habang walong puntos ang ambag ng guard na si LaMelo Ball.

Sa kabuuan ng laban, kontrolado ng GS ang depensa at lumamang ang koponan sa lahat ng defensive metrics tulad ng steals, blocks, at rebounds.

Ang magandang depensa ang naging puhunan ng koponan sa kabila ng mas mababang overall shooting percentage na umabot lamang sa 43.8% kumpara sa halos 45% ng Minnesota.