-- Advertisements --

Pinalawak ang umiiral na ceasefire sa buong rehiyon ng Kherson sa southern Ukraine upang maghatid ng pagkain at gamot sa pinaliligirang lungsod ng Oleshky na kasalukuyang nasa ilalim ng kontrol ng mga pwersang Russian.

Tinatayang dalawang libong residente ang nakakulong sa naturang lungsod nang walang supply ng kuryente, tubig, at pagkain matapos masira ang Kakhovka Dam noong 2023 at mapalibutan ng mga landmine ang lahat ng daanan.

Isinagawa ang pagpapalawak ng kasunduan sa pamamagitan nina US First Lady Melania Trump at Pope Leo XIV upang magbigay ng safe passage sa mga humanitarian convoy hanggang sa Nobyembre 1.

Inihayag ng magkabilang panig na sinusunod ang kasunduan, kung saan tinawag ito ni David Arakhamia mula sa parlamento ng Ukraine na pinakamalaking de-escalation sa sigalot simula noong taong 2022.

Nagsimula na ang engineering reconnaissance at pag-aalis ng mga explosive device ng mga militar upang maihatid ang mga tulong sa Huwebes at maisagawa ang pormal na evacuation sa Biyernes.

Samantala, nagbabala si Ukrainian President Volodymyr Zelensky ukol sa seguridad ng mga mamamayan habang patuloy na kinukumpuni ang mga ruta kung saan nawasak din ang mga tulay sa kahabaan ng Dnipro River.