Bigong nakasungkit ng medalya ang Golden Boy at three-time gymnastics world champion Carlos Yulo matapos itong mauwi sa ikapitong pwesto sa 54th Artistic Gymnastics World Championships na ginanap sa Notterdam, Netherlands nitong Linggo, Oktubre 25.
Nakuha ni Yulo ang score na 13.333 sa first vault kung saan nagtamo siya ng 0.3 penalty nang kapusin sa landing matapos ang 5.600 difficulty score at 8.033 execution score.
Sa ikalawang vault, nakuha naman ni Yulo ang 14.433 na puntos na may difficulty score na 5.200 at execution score na 9.233 para sa average na 13.833 — mga puntos na kapos para sa podium finish.
Hindi rin nakasungkit ng medalya ang double-Olympic gold gymnast sa kaniyang floor exercise finals na ginanap nitong Sabado nang pumalya sa landing ng kaniyang second tumbling pass at mauwi sa ikawalong pwesto.
















