Tinawag ni House prosecutor at Manila Rep. Joel Chua na “pang-socmed” lamang ang mga reklamo ng kampo ni Vice President Sara Duterte sa pag-urong ng tatlong artikulo ng impeachment complaint, dahil hindi naman umano pormal na humiling ang depensa ng reconsideration sa desisyon ng Senado.
Ayon kay Chua na nilinaw ni Senate impeachment court Presiding Officer Chiz Escudero sa pagdinig noong Oktubre 13 kung ang pahayag ni Atty. Sheila Sison ay motion for reconsideration, ngunit sinabi umano ng depensa na hindi ito.
Inurong ng prosekusyon ang Articles I, III at IV, na tumatalakay sa confidential funds, bribery at grave threats. Naiwan ang Article II, na tumutukoy sa alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman ni Duterte.
Iginiit naman ng depensa na hindi dapat malimitahan ang pagkakataon ni Duterte na sagutin ang mga alegasyong natalakay na sa harap ng mga senador, bagaman nilinaw ni Sison na hindi nila tinututulan ang mismong pag-urong ng mga artikulo.
Ayon kay Chua, mas napaliit ng hakbang ng prosekusyon ang mga isyung kailangang harapin ng depensa sa impeachment trial.
Gayunman, ang pag-urong sa tatlong artikulo ay hindi nangangahulugang napatunayang mali ang mga alegasyon. Hindi na lamang pagdedesisyunan ang mga ito sa kasalukuyang paglilitis, alinsunod sa pasya ng impeachment court.









