-- Advertisements --

Hindi matutuloy ang nakatakda sanang pagbyahe ni Pope Leo XIV sa Assisi, Italy sa darating na linggo ayon sa bilin ng kaniyang doktor kasunod ng pagpapagaling niya mula sa nagdaang operasyon sa baga.

Nakatakda sanang bumisita sa darating na Martes ang Santo Papa kasunod ng paggunitang ika-40 na anibersaryo ng World Day of Prayer for Peace ni St. John Paul II.

Ayon sa Vatican, pinayuhan ng mga doktor ang Santo Papa na huwag munang bumyahe upang mas makapagpagaling mula sa nagdaan nitong operasyon laban sa lung cancer at sa halip ay magpadala na lamang ng mensahe sa mga tagapamahala ng pagtitipon na dadalo sa “Disarmed and Disarming Peace” na programa nito.

Samantala, ibinahagi naman ng Vatican na tuloy-tuloy at mabilis ang pagpapagaling ng Santo Papa pagkukumpirma ng mabuting resulta ng follow-up chest X-ray nito kung kaya’t inendorso ng mga doktor na ipagpaliban muna nito ang pagsakay sa helikopter tungong Assisi.

Sa susunod na buwan sa Nobyembre, nakatakda naman si Pope Leo XIV na bumyahe sa Latin America para sa kanyang papal visit sa Uruguay, Argentina, at Peru.