-- Advertisements --

Nagbabala nitong Miyerkules ang United Nations hinggil sa bantang dala ng paparating na super El Niño at anila’y kailangan na ang agarang aksiyon upang maghanda sa pinakamalala nitong epekto.

Inaasahang mararamdaman ang kasukdulan ng super El Niño sa darating na Disyembre ngayong taon kung saan magtatagal ito hanggang sa pagpatak ng 2027 at mga susunod pang taon.

“The current El Niño event could be unprecedented in strength – literally, off the monitoring charts that we have used for the past four decades,” paglalahad ni World Meteorological Organization (WMO) Secretary-General Celeste Saulo.

“We are already witnessing extreme weather events and expect this to multiply and cascade as El Niño intensifies,” dagdag pa ni Saulo sa isang press conference sa Geneva.

Kaugnay nito, nanawagan ang ahensiya na magkasa ng mga pandaigdigang hakbang para sa mga estado at milyun-milyong populasyon na ‘pinakabulnerable’ sa El Niño

“We cannot stop El Niño, but we can prevent many of its worst human consequences,” saad ni Saulo.

Ayon naman kay UN Undersecretary-general for Humanitarian Affairs Tom Fletcher, mas magiging mapinsala ang epekto ng El Niño sa rehiyon ng Latin America, easter at southern Africa, maging sa Asia kasama ang Pasipiko kung saan maaaring maranasan ang hagupit nito sa mga malawakang relokasyon, pagtaas ng presyo ng krudo at pampataba sa sakahan, at matitinding cuts sa pinansiyal na tulong.

“The risk is you have tens of millions of people pushed into humanitarian need,” pagdedetalye pa ni Fletcher at pagbababalang 50 milyon katao ang makakaranas ng matinding gutom.

Kasunod nito, nanawagan din si Fletcher sa mga pamahalaan ng mga bansa, maging sa development banks at international financial institutions na makibahagi sa pagtulong sa paghahanda laban sa El Niño bago pa mangyari ang mga pinsala.

Naranasan ang huling hagupit ng El Niño nitong 2023 kung saan binansagan itong second-hottest year, habang hawak naman ng 2024 ang all-time high record nito.