-- Advertisements --

Target ng Department of Transportation (DOTr) na maipatupad ang automated fare collection system (AFCS) bago ang pagtatapos ng taong 2026.

Layon nito ay para maisulong ang mabilis at walang anumang sagabal na pagbiyahe ng mga pasahero.

Sinabi ni Transport Secretary Giovanni Lopez na ang mga bus operators ay nirerequired na ipatupad ang cashless options para sa mga pamasahe sa bawat busway station sa kahabaan ng EDSA.

Ang AFCS ay ipinapatupad na sa Light Rail Transit at Metro Rail Transit kung saan ang mga pasahero ay nagbabayad gamit ang kanilang mga value cards, credit cards at debit cards.