-- Advertisements --

Tuluyan ng naputulan ng dalawang hita ang mambabatas sa Australia matapos na ito ay sinadyang sagasaan.

Si Helen Haines na isang independent Members of Parliament ay sinagasaan habang ito ay nasa labas ng electorate office sa Wangaratta, sa northern Victoria nitong Lunes ng sagasaan ito ng isang kotse na minamaneho ng isang lalaki.

Nakatayo lamang ang biktima sa nakaparadang sasakyan nito at may kinukuha sa trunk ng bigla siyang sinagasaan.
Naaresto ng mga otoridad ang suspek habang dinala na agad sa pagamutan ang mambabatas.

Malaki ang paniniwala ng mga kapulisan na tinarget ng suspek ang mambabatas dahil sa pagkontra nito sa mga batas na ipinasa nito.

Ayon sa asawa ng mambabatas na si Phil Haines , na unang pinutol ang kaliwang hita at umaasa silang hindi na mapuputol ang kanan subalit kinailangan umano ng doktor na ito ay putulin.

Ipinagpasalamat na lamang niya na buhay ang mambabatas at nasa mabuting kalagayan na ito.

Kinasuhan na ng mga otoridad ang 43-anyos na suspek na si Brendan Nugent.