-- Advertisements --
Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na aabot sa 40 subpoenas ang kanilang na-iisyu na may kinalaman sa 521 kg. sa methamphetamine o shabu shipment na naharang sa bansang Laos.
Ayon kay CIDG Director PMGen. Robert Alexander Morico II na 11 sa mga nabigyan ng subpoena ay maituturing na persons of interest sa nasabing kaso.
Nangangalap na sila ng mga ibang mga dokumento at kanila itong isusumite sa opisina ni PNP chief General Jose Melencio Nartatez Jr sa araw Biyernes at sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Una kinumpirma ng CIDG na mayroong 21 na katao ang kanilang nabigyan ng subpoena para mabigyang kalinawan sa drogang nakumpiska mula sa bansang Laos.















