-- Advertisements --

Nakatakdang sumabak si Filipina tennis sensation at World No. 20 Alex Eala sa Round of 16 ng WTA 500 Ningbo Open 2026 kung saan makakaharap niya ang Russian tennis star at World No. 13 Diana Shnaider.

Umusad si Eala sa round of 16 matapos dominante niyang tinalo ang French player na si Diane Parry sa iskor na 6-3, 6-1 sa round of 32 ng torneyo.

Samantala, matagumpay ding nakapasok sa Round of 16 si Shnaider, ang sixth seed ng torneo, matapos talunin ang Kazakhstani player na si Yulia Putintseva.

Bilang isa sa mga seeded players ng kompetisyon, inaasahang magiging mahigpit ang laban ni Shnaider laban kay Eala.

Gaganapin ang inaabangang ang round of 16 sa Ningbo Yinzhou Tennis Center sa Ningbo China, uusad sa quarterfinals ang mananalo sa laban ni Eala at Shnaider.