Itinaboy ng Taiwan Coast Guard ang 16 na barko ng China na kinabibilangan ng mga coast guard, research, at fishing vessels matapos masangkot sa sabay-sabay na maritime harassment.
Ayon sa pahayag ng Taiwan, naganap ang koordinadong operasyon ng mga tsineseng sasakyang-dagat sa paligid ng kanilang pangunahing isla at sa disputed Pratas Island.
Tinawag ng kapulungan ng Taiwan ang ginawang aksyon ng China bilang isang anyo ng “hybrid warfare” na naglalayong baguhin ang status quo at magbigay ng maling impresyon ng hurisdiksyon sa Taiwan Strait.
Mabilis na gumawa ng aksyon ang mga patrol vessel ng Taiwan upang epektibong harangin at palayasin ang mga barkong pumasok sa kanilang restricted waters.
Ang naturang insidente ay bahagi ng patuloy na pagtaas ng presensya ng mga barkong militar at pangingisda ng China sa mga nakalipas na buwan sa paligid ng teritoryo ng Taiwan.














