11 tripulante ang pinaghahahanap sa Black Sea matapos pasabugin ang dalawang barkong pang-merkado kalapit sa baybayin ng Bulgaria nitong Martes, Oktubre 13.
Kaugnay ito ng kasalukuyang sigalot sa pagitan ng bansang Ukraine at Russia, ayon kay Bulgarian Prime Minister Rumen Radev, kung saan ipinatawag niya ang Russian ambassador matapos aniya’y pabagsakin ng Russian drones ang dalawang barko.
Batay kay Radev, tatlong Russian aerial drones ang tumama sa Chelsea 3, isang Ukranian-owned cargo ship na may lulan na 15 tripulante na agad nailigtas ng mga rumesponde.
Kabilang naman sa pinagsabak na barko ang HS Dignity, isang Guinea-Bissau cargo vessel na tungo sana sa Romanian port ng Braila. Limang katao ang na-rescue sa barko ngunit nananatiling nawawala ang 11 tripulante nito.
Alerto naman ang North Atlantic Treaty Organization (NATO), European Union (EU), maging ang pamahalaan ng Ukraine at Bulgaria sa nakaambang panganib sa Black Sea dulot ng gyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.
“We have already strengthened our posture along the eastern flank and will continue to monitor the security environment, adjusting our deterrence and defence posture as needed,” ayon kay NATO chief Mark Rutte.
Nitong nagdaang 12 buwan, higit 45 na barkong pang-merkado na ang naitalang inatake sa Black Sea ayon sa maritime risk management group Ambrey.













