-- Advertisements --

Pinayagan ng Senate impeachment court angHouse prosecution panel na ipakita ang mga summary at table na inihanda ng kanilang witness mula sa Bureau of Internal Revenue o BIR sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni vice president Sara duterte nitong huwebes, oktubre 8.

Gayunman, ipinagbawal muna ni presiding officer at senator-judge Francis “Chiz” Escudero ang pagpapakita ng mismong source documents o original bir records na naglalaman ng tax records ni vp Sara at ng kanyang asawang si Atty. Manases “Mans” Carpio.

Nagbabala si Sscudero kay private prosecutor atty. Erwin matib na humingi muna ng pahintulot sa korte bago ipakita ang alinmang source document. Ayon sa presiding officer, maaaring ipakita ang summaries at tables na kinuha mula sa mga dokumentong isinailalim sa subpoena, basta’t maipamahagi rin ang mga Ito sa mga partido at senator-judge.

Iginiit din ni Escudero na hiwalay na usapin ang pagpapakita ng orihinal na BIR records, lalo na ang mga dokumentong saklaw ng presidential letter na nagpapahintulot sa pagsusumite ng mga ito sa impeachment court.

Bago ang ruling, binanggit ni Escudero ang impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona, kung saan tumestigo noon ang bir commissioner na si Kim Jacinto-Henares kaugnay ng mga tax records at SALN ni Corona.

Ayon kay Escudero, walang aktuwal na tax returns o iba pang dokumentong ipinakita noon habang tumetestigo ang witness, bagama’t pinayagang makapasok ang media at maitala ang proceedings.