-- Advertisements --

Dalawang katao na kinabibilangan ng kapitan at crew member ang naitalang nawawala matapos tumaob ang kanilang sinasakyang fishing boat sa Jeju Island, South Korea nitong Lunes ng umaga, Oktubre 5.

Dakong alas-3 ng umaga ng Lunes nang makatanggap ng ulat ang Jeju Regional Coast Guard sa pagtaob ng Seongjin No. 7, 65 na kilometro sa hilagang-kanluran ng Chagwi Island sa Jeju City.

Mula sa 11 na crew member ng barko, siyam na crew members, walong Indonesian at isang Vietnamese, ang agad nai-rescue habang patuloy na pinaghahanap ang isa pang Indonesian crew member pati ang Koreanong kapitan ng barko.

Nagpadala na rin ang Coast Guard ng Jeju ng dalawang helicopters at siyam na patrol vessels para sa search and rescue operations ng mga nawawala ngunit inaasahang hindi ito magiging madali dulot ng mga malalakas na hangin at malalaking alon sa dagat.

Samantala, naglabas naman ng emergency order si South Korean Prime Minister Han Seong-sook at inatasan ang Korea Coast Guard kabilang ang Ministry of Oceans and Fisheries na bigyan ng prayoridad ang paghahanap sa mga nawawalang crew members ng barko habang pinag-iingat ang mga ito sa operasyon.