-- Advertisements --

Nanawagan si Senator-judge Alan Peter Cayetano ng balanse sa pagitan ng bilis ng impeachment proceedings at patas na pagkakataon para sa magkabilang panig sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte.

Ito ay matapos humiling ang defense team ng dagdag na oras para mapag-aralan ang mga record mula sa Anti-Money Laundering Council o AMLC bago isagawa ang presentasyon at cross-examination sa witness ng ahensya.

Ayon kay Cayetano, hindi naman humihingi ang depensa ng isang linggo o isang buwan para makapaghanda, kundi sapat na oras.

Dahil dito, sinabi niyang mahalagang isaalang-alang ang fairness habang pinananatili rin ang maayos at mabilis na takbo ng paglilitis.

Dahil dito, ipagpapatuloy ang impeachment trial sa October 5 para bigyang panahon ang depensa na maghanda para sa pagharap at pag-cross-examine sa AMLC witness.