-- Advertisements --
Maraming bansa ang kinausap ng Pilipinas para matiyak na mayroong sapat na suplay ng langis ang bansa.
Sinabi ni Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin, kabilang sa mga bansang kinausap ay ang Russia at Australia.
Bahagi aniya ito ng pagpupursige para mapunan ang maaring negatibong epekto dahil sa krisis sa langis.
Dagdag pa nito na ang nakikitang masamang scenario ay hindi ang mataas na presyo at sa halip ay kapag nagkulang ang suplay ng langis sa bansa.
Naniniwala ito na tutugon ang mga bansa sa kanilang pakikipag-usap.














