-- Advertisements --
Magpapakalat ang Philippine Ports Authority (PPA) ng 19 emergency response vehicles o ERVs sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa ngayong linggo.
Ayon kay PPA Spox Eunice Samonte, layunin nito na mapalakas ang kakayahan ng mga pantalan na tumugon sa mga insidente tulad ng sunog at iba pang emergency, at maprotektahan ang mga empleyado, pasahero at iba pang gumagamit ng pantalan.
Kabilang sa kagamitan ng bawat ERV ang water at foam tanks, fire pump, first aid kit, communication equipment, rescue tools at personal protective equipment o PPE.
Ipapamahagi ang mga sasakyan sa major ports sa bansa kabilang ang mga pantalan sa Batangas, Mindoro, Metro Manila, Davao, Zamboanga, Iloilo, Bohol, Bataan at Currimao.
















