-- Advertisements --

Nanawagan si United Nations Secretary-General Antonio Guterres ng agarang de-escalation sa Middle East at ceasefire sa Ukraine bago ang high-level week ng 81st UN General Assembly sa New York.

Ayon kay Guterres, dapat maging pangunahing prayoridad ang pagpigil sa paglala ng tensyon sa Middle East dahil patuloy na mga sibilyan ang nakararanas ng epekto ng mga labanan.

Hinimok din niya ang lahat ng panig na itigil ang mga hakbang na nakapipinsala sa civilians at tiyaking makapaghahatid ng humanitarian aid nang ligtas at walang sagabal.

Nanawagan din ang UN chief na igalang at ibalik ang navigational rights at freedoms sa Straits of Hormuz at bab Al-Mandab, alinsunod sa international law.

Aniya, e-escalation, diplomacy at dialogue ang tanging daan upang maresolba ang mga tensyon.

Samantala, muling iginiit ni Guterres ang panawagan para sa agarang ceasefire sa Ukraine bilang unang hakbang tungo sa isang makatarungan, pangmatagalan at komprehensibong kapayapaan. Bukas din umano siyang mag-host ng negosasyon sa united nations kung magkakaroon ng pagkakataon sa UN general assembly.

Hinimok din ni guterres ang pagpapatupad ng peace plan para sa gaza, unrestricted humanitarian assistance, at pagtigil sa tinawag niyang “Creeping annexation” ng west bank. Binigyang-diin niyang walang kapayapaan sa Middle East kung Hindi maisasakatuparan ang two-state solution.