Kinuwestiyon ng Malacañang ang batayan ng panibagong panawagang magbitiw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr Bago ang planong mga kilos-protesta sa buong bansa sa Septyembre 21, anibersaryo ng deklarasyon ng martial law.
Ayon kay Palace press officer Claire Castro, dapat munang ipaliwanag ng mga nananawagan ang dahilan ng kanilang panawagan, lalo’t patuloy umano ang pagkilos ng administrasyon laban sa mga personalidad na sangkot sa alegasyon ng anomalya sa flood control projects.
Ipinunto ni Castro ang isinampang kaso laban kay dating house speaker Martin Romualdez, na isa sa mga personalidad na iniugnay sa isyu, bilang bahagi umano ng mga hakbang ng mga awtoridad matapos suriin ang mga ebidensya.
Sinabi ni Castro na kumikilos ang ombudsman batay sa mga nakalap nitong ebidensya, kaya kinuwestiyon niya kung ano pa ang hinihingi ng mga grupong nananawagan ng pagbibitiw ng pangulo.
















