Kinuwestiyon ng tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte na si Atty Paolo Panelo ang panibagong pagtalakay sa 16-vote threshold para sa conviction sa impeachment trial.
Ayon kay Panelo, dapat isaalang-alang ang mga sitwasyong nakaaapekto sa pagdalo at paglahok ng mga senator-judge bago baguhin ang bilang na magsisilbing batayan sa boto.
Ginawa ni Panelo ang pahayag matapos marinig ng Senate impeachment court ang magkakaibang pananaw ng mga retiradong mahistrado ng Korte Suprema na inimbitahang magsilbing Amici Curiae o “Friends of the court.”
Aniya, kung ibababa ang denominator o bilang na pagbabatayan ng two-thirds requirement, maaaring magkaroon ng pagkakataon na maimpluwensiyahan ang resulta batay sa kung sinu-sinong senador ang makadadalo o makaboboto.
Binigyang-diin ni Panelo na dapat talakayin ang voting threshold kasama ang konteksto ng mga senador na maaaring Hindi makalahok dahil sa mga kasong isinampa laban sa kanila o banta ng legal na aksyon.
















