-- Advertisements --

Hiniling ng acting prosecutor ng International Criminal Court o ICC na ideklarang fit to stand trial si dating pangulong Rodrigo Duterte sa kinakaharap nitong kaso sa crimes against humanity.

Ginawa ni ICC acting prosecutor Mame Mandiaye niang ang kahilingan matapos isumite ng panel ng medical experts ang kanilang joint at individual reports kaugnay ng kondisyon ni duterte.

Sa filing na may petsang Setyembre 7 at inilabas nitong Lunes ng gabi, sinabi ni Niang na ipinapakita umano ng mga ulat na kaya ni Duterte na humarap sa paglilitis.

Binanggit din niya ang umano’y reduced effort at unreliability ni Duterte sa isinagawang assessments.

Gayunman, redacted ang mga detalye ng findings ng medical experts sa submission ng prosekusyon.

Ang trial chamber III ang magpapasya kung fit si Duterte para sa paglilitis.

Sinabi rin ni Niang na hindi na kinakailangan ang hiwalay na hearing tungkol sa fitness ni Duterte, dahil may mga mungkahi ang medical panel para mapadali ang kanyang epektibong paglahok sa trial.

Kung ideklarang fit, nakatakdang magsimula ang crimes against humanity trial sa Nobyembre 30.