Pinuri ni US President Donald Trump ang mga nagresponde sa naganap na terror attack noong September 11, 2001.
Sa kaniyang talumpati sa paggunita ng ika-25 taon ng nasabing tinaguriang 9-11 attack ay nagpakita kung gaano katatag ang mga mamamayan ng America.
Dahil sa pangyayari ay sinabi ng US President na napilitan ang mga bansa na magkaisa laban sa terorismo.
Hindi rin napigilan ni Trump na banggitin ang kasalukuyang giyera nila sa Iran kung saan nanindigan ito na hindi sila papayag na magkaroon ng nuclear weapon ang Iran.
Nasa Pentagon si Trump para gunitain ang ika-25 taon ng nasabing pag-atake.
Noong 2001 ay nasa New York si Trump ng mangyari ang pag-atake kung saan sa mga nagdaang taon ay sa New York niya ginugunita ang terror attack.
Ilan mga programa rin ang isinagawa sa mga lugar kung saan bumagsak ang na-hijack na eroplano gaya sa Pennsylvania, New York at maging sa Pentagon sa Washington.
















