-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Posible raw na madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa pagbagsak ng isang A320 Airbus plane sa Karachi, Paksitan.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni International correspondent Harija Ismani Hasan, residente ng Lahore City, na nananatili sa 97 ang bilang ng mga otoridad sa mga namatay sa aksidente.
Pero dahil may limang bahay na napinsala ng plane crash ay posibleng may mga residenteng nadamay din sa trahedya.
Batay sa ulat ng Pakistani authorities may dalawang nakaligtas sa pagbagsak ng eroplano.
Isa ang hindi pagbubukas ng gulong ng eroplano sa nakikitang dahilan ng gobyerno sa naging resulta ng aksidente.