CAUAYAN CITY- Siyamnapu’t isang dating rebelde ang tumanggap na ng kanilang livelihood settlement grants sa pangunguna ng DSWD region 2.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Captain Rigor Pamittan, DPAO chief ng 5th Infantry Division Philippine Army sinabi niya na ang bawat dating rebelde na nagbalik loob sa pamahalaan ay nakatanggap ng tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng dalawampong libong piso at umabot sa kabuuang mahigit isang milyong piso ang tulong pinansiyal na naipagkaloob ng DSWD sa lahat ng mga dating rebelde sa buong rehiyon.
Labing isa mula rito ay mga rebel returnee sa Nueva Vizcaya kung saan katuwang si Governor Carlos Padilla na nagkaloob ang kanilang mga benipisyo.
Kabilang sa mga mapalad na nabigyan ng 20,000 pesos cash assistance ay si alyas Jan jan mula sa Cagayan na gagamitin sa pagpapatayo niya ng livelihood livestock farming ang natanggap na tulong.
Nobyembre 2020 ng magbalik loob sa pamahalaan si alyas Jan Jan at kanyang isinuko ang dalawang matataas na kalibre ng baril.
Maliban rito ay nagmahagi rin ang food packs ang militar sa ilang pamilya sa San Pablo, Isabela habang mga gamit sa pagsasaka tulad ng garden hose, solar light, solar powered radio at pangbungkal ang ipinamahagi ng 24th Infantry Battalion sa ilang residente ng Abra.